Thursday, November 11, 2010

Kabanata 62

Ang Pagtatapat

Kabanata 61

 Hindi Dapat Ganito

Monday, October 18, 2010

Kabanata 48

Kabanata 48


Ang Dalawang Senyora

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkasama naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang pahirapan ang mga buhay ng mga Indio. Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga masasamang paningin. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang ayawan. Sinabi ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya. Galit na galit, habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, bago mag-pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Dumating ang kura at sila’y pinatigil. 
Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan. 

Kabanata 47

Kabanata 47


Ang Sabungan
Gaya ng iba pang bayan ng Pilipinas, mayroon ding sabungan sa San Diego. May tagakuha ng pera sa pinto at nagbebenta ng mga kahit anong maliliit na bagay sa lugar.  Sa ruweda naman makikita ang mga tanong mayayaman at may mga matataas na mga tungkulin. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.

Kabanata 46

Kabanata 46


Ang mga Pinag-uusig
Nagpunta sa kagubatan si Elias kasama ng isang lalaki at hinanap si Kapitan Pablo dahil may anim na buwan na nang huli silang magkita. Ikiniwento ng Kapitan ang kanyang kagustuhang makipaghiganti dahil sa pagkamatay ng kanyang tatlong anak dahil sa mga awtoridad. Naintindihan ni Elias ang nararamdaman ni Kapitan Pablo at sinabing kalimutan na ang paghihiganti. Ngunit hindi sumang-ayon ang Kapitan dahil wala pang nararanasang mahirap si Elias dahil bata pa lamang siya at hindi pa nagkaroon ng mga anak.
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.

Thursday, October 7, 2010

Kabanata 40



Doña Consolacion

Kabanata 45



Pagsusuri sa Budhi