Doña Consolacion
Nagsisimula ang istorya sa bahay ng Alferez. Ang kanyang asawa, si Dona Consolacion, ay nakatago lamang sa loob, malungkot at mukhang matandang bruha. Para sa hindi pa nakakaalam, sarado ang lahat ng pintuan at binatana para hindi maimluwensiya ang kasiyahan na nangyayari sa pista sa labas ng bahay ng Alferez. Ikinalungkot din ni Dona Consolacion na hindi siya nakasipot sa sermon ng umagang iyon. Binawalan kasi siya ng kanyang asawa. Hindi naman sa may galit ang asawa niya sa diyos, kundi kasi sa kalagayan ni Dona Consolacion. Hindi kaya ng Alferez ipalabas ang kanyang asawa na mukhang ganyan, at ang rason ay hindi dahil mahihiya and Dona kundi siya, ang alferez, mismo. Dahil sa ganitong pagtrato sa kanya, masasabi sa madaling salita na nasira ang araw ng Dona kaya siya galit at naiinis sa lahat ng bagay at tao. Dahil hindi niya nakayanan marinig ang tawa ng mga tao sa labas habang siya'y nagdudurusa, pinasara niya ang mga ito.
Si Sisa ay ikinulong sa bahay ng Alferez, at sa oras na wala siya(Alferez), natakot siya para sa kalagayan ni Sisa dahil alam niyang masama ang araw ng kanyang asawa at kung anu-ano ang ginagawa ng kanyang asawa sa mga oras na iyon. Sa gabi, dumaloy ang malungkot na musika ni Maria Clara sa bahay ng Alferez. Dahil tumama sa puso ni Sisa ang awit, sumabay siya sa kanta. Sa kanta ni Sisa, lahat ay nakinig at nag-alala, kahit si Dona Consolacion. Tinawag ni Dona Consolacion si Sisa para umakyat. Balak niyang pakantahin si Sisa, kaso nangutusan ni Dona Consolacion si Sisa, hindi siya kumibo. Hindi naman sa ayaw kumanta ni Sisa, kundi hindi niya maintindihan ang orofeang salita ni Dona Consolacion.
Dako tayo sa pinagdaanan ni Dona Consolacion. Bilang asawa ng isang espanyol, sinikap niyang alamin ang wika, kaso masasabi mo hindi magaling ang guro ni Dona Consolacion kaya hindi siya natuto ng mabuti. Kung tutuusin mo pa nga, mas humina nga ang wika ni Dona Consolacion. Sa simula, nakakaya pa ni Dona Consolacion magsalita ng tagalog, ngunit pagturo ng Alferez ng espanyol, nalito siguro si Dona Consolacion at pati tagalog ay nakalimutan niya.
Hawak-hawak ni Dona Consolacion ang pamalo at sinabi niya sa kaniyang katulong na pagsabihan ang babaeng ito sa tagalog kung ano ang hinahanap niya, ang awit na kinakanta ni Sisa kanina. Nangitindihin ni Sisa, kumanta siya kaagad. Habang umaawit si Sisa, unti-unting pumapasok ang mensahe ng kanta sa kaluluwa ni Dona Consolacion at humigit pa sa lungkot ang damdamin niya. Pinahinto niya si Sisa at pinasayaw naman. Hindi maintindihan ni Sisa ang salita ni Dona Consolacion. Pinalo siya. Bawat pagtulala ni Sisa, isang tama sa katawan ang matitikman niya. Namalo ng namalo si Dona Consolacion hanggang sumayaw si Sisa. Sa oras na iyon, nakabalik na rin ang Alferez.
Pinaalis ng Alferez si Sisa at pinatrato ang kanyang mga sugat. Nagtinginan ang mag-asawa ng matagal at nagalit bigla ang Alferez. Lumaban ang dalawa gamit ng mga gamitan ng bahay.
No comments:
Post a Comment