Pagsusuri sa Budhi
Pagkatapos magkumpisal si Maria Clara, wala siyang masabi kung hindi ang pangalan ng kanyang inang hindi niya nakilala. Dahil mataas ang kanyang lagnat, binantayan siya ng kangyang mga kaibiga. Nag-alay si Kapitan Tiago ng ginto sa Birhen ng Atinpolo. Pagkatapos niya gawin ito, bumaba ang lagnat ni Maria Clara.
Isang hapon, nag-usapan sina Kapitan Tiago at Padre Damaso tungkol sa kanyang paglilipat ng parokya. Agad na sinabi ni Kapitan Tiago na lubos na malulungkot si Maria Clara kung mattutuloy ito dahil parang isang ama na rin si Damaso para kay Maria. Dinagdag din ni Tiago na ang pagkasakit ni Maria Clara ay dahil sa mga nangyari sa pista. Sinabi ni Damaso na dapat payagan ni Kapitan Tiago magkausap sina Maria Clara at Ibarra.
Sinabi ni Donya Victorina na si Dr Tiburcio ang talagang nagpagaling kay Maria Clara, ngunit sinabi ni Padre Salvi na ang pangungumpisal ang nagtulong sa pagiging epektibo ng gamot. Pagkatapos niya sabihin ito, tinanong ng Donya kung ang kumpisal ang maari rin ipagaling so Donya Victorina. Hindi kumibo ang pari at sinabi niya kay Tiago na tulungan ni Tiya Isabel si Maria Clara para sa isang kumpisal muli.
Bago dumating si Tiya Isabel sa loob ng kuwarto, tinanong ni Maria Clara kay Sinang kung nagsulat si Ibarra. Sinabi ni Sinang na maraming bagay ang ginagawa ni Ibarra ukol sa kanyang ekskomunikasyon. Pagkatapos nito, matagal na nagkumpisal si Maria Clara.
No comments:
Post a Comment