Thursday, October 7, 2010

Kabanata 44


Mga Balak

Lumapit so Padre Damaso sa kama kung saan nagpapahinga si Maria Clara. Punong-puno ng luha ang malungkot na mukha habang sinabi niya kay Maria Clara, “Anak ko hindi ka mamatay.” Nagtaka si Maria Clara nang nakita niya ito. Nabigla siya kung bakit ganito ang nararamdam ni padre Damaso. Hindi makapaniwala rin ang ibang pari sa kumbento na may malasakit na bahagi ang kalooban ni Damaso. Pagkatapos nito, pumunta sa Padre Damaso sa isang sulok na malilim at umiyak na patuloy-tuloy. Para siya naging isang bata na inilabas ang lahat ng sama ng loob. Nang nakita ng iba ito, sinabi na lamang nila na mahal na mahal talaga ni Padre Damaso, ang kanyang inaanak, si Maria Clara.

Nang huminto si Padre Damaso sa pag-iiyak, pinakilala ni Donya Victorina si Linares, anak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Binigyan ni Linares ang pari ng isang liham. Sa loob ng liham, sinasibi na nangangailangan si Linares ng trabaho at asawa. Sinabi ni Damaso na mabilis siyang makakahanap ng trabaho, at kakausapin niya si Tiago tungkol sa kangyang magiging asawa.

Sila Padre Salvi ang huling umalis. At habang nagmumuuni-muni si Salvi, naghinto siya sa pagbati ni Lucas. Humihingi si Lucas ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Umiyak si Lucas nang sabihin niya kung gaano kakaunti lamang ang pera na binigay ni Crisostomo Ibarra para sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Pinagalitan ng prayle si Lucas. Umalis si Lucas na nagtataka.

No comments:

Post a Comment