Thursday, October 7, 2010

Kabanata 43


Mag-asawang de Espadaña

Sa loob ng bahay nag-usap sina Kapitan Tiago at Tiya Isabel kung paano nila ipapagaling si Maria. Sinabi nila na mag-aalay sila ng limos sa dalawang krus upang maging mas mabuti ang kalagayan ni Maria Clara. Pagkatapos nito, dumating si Dr. Tiburcio de Espadaña sa harap ng bahay. Pagkatapos ipakilala ni Donya Victorina si Linares, sinamahan ni Kapitan Tiago ang mga tauhan sa silid.
-----
Sa unang tingin, si Donya Victroina ay isang Orofea. Matanda ang kanyang pisikal na katangian, ngunit sabi ng lahat na bata lamang siya. Nang dalaga siya, mahigit lubos ang kanyang kagandahan. Dahil dito, nangarap siyang maipakasal sa isang dayuhan, hindi Pilipino. Ngunit hindi natuloy ang kanyang pangarap na ito. Napakasal siya sa isang kastilang itinaboy sa Pilipinas, si Tiburcio de Espadaña.

Dumating siya sa Pilipinas sakay ang barkong Salvadora. Nakahanap siya ng trabaho dahil sa tulong ng kababayang kastila. Bagama't hindi siya nag-aral, nakakuha pa rin siya ng trabaho bilang mediko base lamang sa kanyang pagiging kastila. Unting-unti yumaman siya dahil sa pagtaas niya ng singil sa kanyang mga pasyente, ngunit nagsumbong ang mga tunay na mediko at nawalan siya ng mga pasyente. Malapit na siyang magpalimos muli sa kanyang kababayan hanggang napangasawa niya si Donya Victorina. Magkakaroon na sana sila ng anak ngunit hindi natuloy ito.
-----
Habang sila ay nagmimiryenda, dumating si Padre Salvi at nagpakilala kay Linares. Pagkatapos nito, pmasok sila sa loob ng silid ni Maria. Tinanong ni Linares kay Padre Salvi kung saan si Padre Damaso sapagkat may dala siyang lihim. Tinignan ni Tiburcio si Maria Clara at binigyan niya sila ng payo kung ano ang dapat gawin nila.

No comments:

Post a Comment