Hindi Dapat Ganito
“Paano na ito? Ano na ang gagawin ko. Bakit naging ganito ang aking buhay?” sabi ni Maria Clara sa kanyang sarili.
“Sandali na lamang at ikakasal na ako, ngunit hindi ko mahal ang taong ito. Ang aking magulang ang nagmamahal sa kanya. Si Linares, isang taong nagtratrabaho sa gobyerno. Hindi gaaning mataas ang posisyon ngunit akala ng aking magulang na siya ang gusto ng mga babae sa bayan. Hindi ako isa sa mga babaeng iyon. Siya ay isang manghuhuthot. Gusto niya lamang maging asawa ko dahil sa pera ng aking pamilya. HIndi niya ako mahal. Mas mahal niya ang pera kaysa sa akin. Mas mahal niya ang kanyang sarili!”
“Paano na? Ang aking tunay na mahal sa buhay ay wala na. Hindi ko na siya makita kahit na isang saglit lamang. Lahat ng tao ay naghahanda para sa kasalan, ayaw ko pumunta sa aking sariling kasal.”
Sinabi ni Maria sa kanyang sarili sa loob ng kanyang kuwarto.
No comments:
Post a Comment