Wednesday, October 6, 2010

Kabanata 37

Unang Ulap


Sa bahay ni Kapitan Tiago, walang ginawa si Maria Clara kundi umiyak at ayaw pakinggan ang mga pag-alo ng kaniyang tiya at ng kinakapatid na si Andeng. Pinagbawalan siya ng ama na makipag-usap kay Ibarra hanggang hindi siya sinasagip ng mga saserdote sa kaniyang eskomunyon. Si Kapitan Tiago na abala sa paghahanda ay ipinatawag sa kumbento. Pagkabalik ni Kapitan Tiago, tumutulo ang kanyang pawis at hinahaplos ang kaniyang noo at sinabing, “Ang pinangangambhan ko! Iniutos ni Padre Damaso na sirain ang kasunduan. Binantaan nila ako ng eskomunyon. Sabi nila sa akin, ang limampung libong piso utang sa kaniya o ang iyong buhay at kaluluwa?”

Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Sinabi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na walang kwenta ito dahil ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang papansinin kundi ang mga kapwa prayle.

Samantalang napupuno ng tao ang bahay, at umaalingawngaw sa lahat ng dako ang mabibigat na yabag, nag-uutos na mga tinig, mga kalansing ng sable at espuwela. Hindi iniiip ni Maria Clara ang dalamhati ng naturang Ina; iniisip niya ang sa kaniya.

Napakabuti at tapat na Kristiyano si Maria Clara tulad ng pagiging mapagmahal na anak. Hindi lamang siya tinatakot ng bantang eskomunyon. Hinihingi sa kaniya ngayon ng utos at ng nanganganib na kapayapaan ng kaniyang ama na poagpakasakit niya ang kanyang pag-ibig. May panahong isang ilog maamong dumadaloy, subalit biglang kumipot ang daluyan nito.

No comments:

Post a Comment