Wednesday, October 6, 2010

Kabanata 36

Perspektibo

Mabilis na kumalat ang pangyayari sa buong bayan. May kani-kaniyang palagay ang bawat isa at batay sa kani-kaniyang taas ng baitang sa hagdanang moral. Samantalang hinihintay sa loob ng isang maliit na bahay sa labas ng bayan ang pagdating ng Kapitan Heneral. “Ang masama, nagkapalit sila ng tungkulin. Nag-asal matanda ang bata at nag-asal bata ang matanda,” sabi ni Don Filipo. “Inaasahan ko na hindi siya pababayaan ng bayan. Dapat nating isaisip ang ginawa ng kaniyang pamilya at ang ginagawa niya ngayon,” ipinagpatuloy ni Don Filipo. Sinabi ng gobernadorsilyo na mayaman ang mga fraile at nagkakaisa, watak-watak tayo at mahihirap. “Hindi ba ninyo alam ang kasabihang Espanyol: sa sarili nagsisimula ang wastong pag-unawa sa karunungan,” dagdag ng gobernadorsilyo.

Naiiba rin ang palagay ng kababaihan. Nag-uusap ang tatlong babaeng sina Kapitana Maria, Tinay at Manang Rufa kung isang ataw na balo na sila’y maririnig ninyong may nagsasalita ng masama tungkol sa kanilang asawa at nagtungo lamang ng ulo at hindi kumibo ang kanilang mga anak. “Ipagkakait ko sa kanila ang aking bendisyon,” tugon ni Kapitana Tinay. Ang sinabi naman ni Kapitana Maria. “Dapat hangarin ng mga anak na higitan ang kanilang mga magulang; ngunit sa ating kandungan, tinuturuan lamang natin silang maging musmos.”

Ang mga iniisip ng mga tagabukid tungkol sa pangyayari ay magka-iba rin. Isa sa kanila, ang tao na nangangarap tungkol sa mga doktor ng Medisina. “Ang higit kong ikinalulungkot ay hindi matatapos ang paaralan dahil tinawag ng mga puting Padre si Don Crisostomo ng plibastiero,” sabi nito.

No comments:

Post a Comment