Pinahanap kaagad ni Kapitan Heneral si Ibarra noong siya’y dumating. Nagalit si Padre Damaso dahil sa paglabas ng isang binata sa simbahan. Nanginig ang buong katawan ng binata nang pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, paglabas nito nakangiti na siya. Agad na pinapasok sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Nagbigay galang sa pamamagitan ng pagyuko. Napansin ng Kapitan Heneral na hindi kasama si Padre Damaso. Sinabi nila na may sakit siya. Pagkatapos ng mga pari, nagbigay galang naman sina Kapitan Tiyago at Maria. Binigyan ng puri ng Heneral si Maria dahil sa pananghalian
Dumating si Ibarra at humarap sa Heneral agad. Nakita niya na parang nataranta si Maria kaya sinabi niya gusto lamang niya kausapin siya bago pumunta sa Espanya. Pagkakita ng Heneral kay Ibarra, mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama ang kanyang ginawa para sa ama. Kakausapin ng Heneral ang arsobispo tungkol sa pagkakaeskomunyon. Pinaalala ni Pari Salvi kay Heneral na si Ibarra ay eskomunyon pero hindi siya pinansin at sinabi pa sa kanya na sabihin kaya Padre Damaso na magpagaling. Nang sila’y lumabas, nagkita sila nila ng mga prayle at si Ibarra, ngunit walang nagpansinan.
Sa kanilang pagkukuwento, naging mapalad si Ibarra dahil natagpo niya ang pamilya ng Kapitan noong siya’y pumunta sa Madrid. Nakita ni Kapitan na matalino at iba ang pag-iisip ni Ibarra at hindi raw bagay siya tumira sa Pilipinas. Niyaya ng Kapitan na sumama sa kanya at tumira sa Espanya ngunit sinabi ni Ibarra na mas masarap mamuhay sa sariling bayan.
Naalala ng Kapitan si Maria at sinabi kay Ibarra na puntahan ang kanyang kasintahan. Nagmadaling umalis si Ibarra. Sinabi ng Heneral sa kanyang mga alagad at alkaldo na ibigay ang lahat ng kaluwagan para sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Nangako ang alkalde na pangangalagaan niya ang kaligtasan ni Ibarra. Nakita ng Heneral si Tiago at agad siyang pinuri sa dahil sa kanyang anak at magiging manugang. Nagprisinta pa siyang maging ninong sa kasal.
Nang dumating si Ibarra sa bahay ni Maria, agad siyang kumatok, ngunit si Sinang ang nagbukas at sinabi na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin dahil aalis na silang papunta sa dulaan. Hindi naman ito naintidihan ni Ibarra.
No comments:
Post a Comment