Malalakas ng mga paputok at mga binatang may dalang sinding parol. Nagpatayo si Kapitan Tiago ng isang plataporma sa harap ng kanyang bahay dahil ito’y gagamitin para sa pagbigas ng mga tula ng bayan. Mas ginusto pa ni Ibarra na manatili sa bahay ni Kapitan Tiago upang makasama si Maria dahil nahiya siyang umalis dahil sa imbitasyon ng Kapitan Heneral.
Ang tatlong sakristan hawak ang mga seryales na pilak ay nangunguna sa prusisyon. Sumunod naman ang mga guro, mag-aaral at mga bata. May ibang mga tao naman na namimigay ng libreng kandila para sa gagamiting pang-ilaw sa prusisyon.
Inihinto ang mga karo at santo sa tapat ng plataporma sa pagdadarausan ng prusisyon. May isang batang lalaking may pakpak na bumigkas ng papuri sa wikang Latin, Kastila at Tagalog. Pagkatapos nito pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa matapat sa bahay ni Kapitan Tiago. Lahat ay tumigil sa magandang pag-awit ni Maria ng Ave Maria. Napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara at nakadama naman ng kalungkutan si Ibarra. Naputol ang kalungkutan ni Ibarra nang imbitahin siya ng Kapitan Heneral upang magsalo para pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.
No comments:
Post a Comment