Thursday, October 7, 2010

Kabanata 41







Ang Karapatan at Lakas

Sa gabi ng Pista, makikita mo na nagsisiyahan ang lahat ng mga taga San Diego. Sa ibang panig ng lugar, may mga paputok na nag-aaliw sa madlang naghihintay para sa pista. sang libong boses ang sumigaw ng lumabas ang agusil dahil siya ang simbolo ng mga tao na sisimula na ang mga presentasyon ng pista. Habang nangyayari ito, nakausap ni Don Filipo si Pilosopong Tasio ukol sa kanyang pagbitaw ng kanyang trabaho bilang isang tinyente. Ilang sandaling lumipas at dumating ang grupo nina Maria Clara at dinala ng Tinyente ang mga babae sa kanilang mga upuan. Dahil dito, na paiksi ang usapan ng Pilosopo at ni Don Filipo. Ilan pang sandaling dumaan at dumako sa Pista ang gwapong Crisostomo Ibarra. Habang hinanap niya sina Maria Clara, may nainis sa kanyang pagsipot sa pista. Si Padreng selos(Salvi) ay nagalit at nagsabi ng kung anu-ano para mawala ang talentong Ibarra. Sa huli ng pagtalo ng Tinyente at alcalde, ang alcalde ang napaalis at nahiya. Sa kabila naman ng pista, nagtaka si Ibarra kung bakit may mga masasamang tingin na umabot sa kanya. Sa kanyang pagtaka, may naalala siya na kailangan palang niyang gawin. Nagpaalam siya kaagad kina Maria Clara at umalis na may pagsisi dahil hindi niya makikita sumayaw si Yeyeng. Dito, bumilis ang eksena.

Sa opening number ni Yeyeng, may dumating na dalawang sundial sa harapan ni Don Filipo, ang dala nilang balita ay higit pa sa malungkot. Sinabi ng dalawang sundalo na kinailangang hintuin ang pagsaya ng mga tao dahil hindi makatulog ang Alferez at ang kanyang asawa na tilang hindi kayang marinig ang masasayang musika o mga maligayang tawa ng mga tao dahil mas lalong lulungkot silang dalawa. Ang kundisyong ito ang naging dahilan ng pag-utos na ihinto ang pista. Bago nagawanghintuin ni Don Filipo ang pista, nagkagulo ang mga tao. Sa gitna ng lahat ng batong natapon o mga sigaw "Tulisan!", dumating si Ibarra na nalilito sa nangyari, pero, liban lamang sa lito, nag-aalala rin siya para kay Maria Clara at ang mga babaeng namumutla sa takot ay kumapit kay Ibarra para sa sekuridad. Habang Nagagalit ang mga tao sa pista sa alferez at ang kanyang asawa, sumigaw sila ng mga planong para patayin ang mag-asawang madaya. Habang iplinaplano ng mga tao ng San Diego ang kanilang paghihiganti, sinubukang ni Don Filipo bigyan ng tahimik sa puso ng mga puso ng madla ngunit hindi sila nakinig. Tumungo ang tinyente kay Ibarra at ibinigay niya ang gawain niya kay Ibarra para masabayan niya ang mga sundalo para hulihin ang mga musikero. Dahil hindi alam ni Ibarra kung paano rin ipapatahimika ang mga tao, pinasa niya ang gawaing iyan kay Elias, ang piloto. Parang milagro, napatahimik ni Elias ang mga tao.

Sa kabilang panig ng pista, makikita si Padre Salvi na nag-oobserba sa gulong makikita sa kanyang bintana. Dumako ang kanyang isipan sa isang ideang hindi niya nagustuhan. Nakita niya sa kanyang isipan si Ibarra na nagbubuhat kay Maria Clara papunta sa kadiliman. Pagkatapos nito, lahat ng masamang pangyayaring na maaaring mangyari ay pumasok sa kanyang isip, at dahil dito, tumungo kaagad siya sa lugar ng pista. Dumaan si Padre Cura sa bahay ni Kapitan tiyago at naginhawa siyang makita ang anino ni Maria Clara. Inaliw niya ang sarili niya sa pagtingin sa anino hanggang sinara ni Tiya Isabel ang bintana. Pagkatapos nito, bumalik sa kumbento si Padre Salvi.

No comments:

Post a Comment